FILIPINO 

Ibig kong makita 
ni Benigno R. Ramos 


"Ibig kong makita ang bayang dakilang pangarap ni Rizal,
ang bayang may bughi at di natatakot sa mga dayuhan."
Ibig kong makita ang isang lalaki sa panunungkulan na
nagkakasya na sa sweldong kanyaý kalob ng bayan;
Ibig kong makita ang isang pinunong maalam dumamay, katoto
ng lahat at walang higanti sa kaaway;
Ibig kong makita ang isang lalaki kung pulitiko man ay matututo
anang tumupad sa kanyang pangako't pangaral;
Inig kong makita ang isang pangkating hindi manlilinlang at di
 uunahin ang sariling buti kahit magbulaan;
Inig kong makita ang pamahalang hindi nagbibigay ng p'westo 
kung hindi sa matatanda na at may kasanayan;
Ibig kong makitang mawala na rito ang Pulitikahan at namg hindi tayo
 laging nababagabag hannggang magpatayan;
Ibig kong makita ang unibersidad na tinuturuan ang magugulang na 
at di mga batang halos walang malay;
Ibog kong makita ang isang medikong kung nakararaan sa i
sang maysakit, kahit di tawagin, ay kusang aalay;
Ibig kong makitaý isang botikaryong di magpapalabnaw ng timpla 
ng gamot at di magdaraya sa hingad yumaman;
Ibig kong makita ang kadalagahang mahinhin, marangal,mapuri,
 marunong at sa wika natin ay sany na sanay;
Ibig kong makita ang kabinataang malakas, matapang, malaya, bihasa,
 at sasama kung maghimagsikan;
Ibig kong makita ang isang simbahang di mangangalakal sa ngalan ng Diyos 
at di sumisingil sa gawaing banal;
Ibig kong makita ang pagkakaroon ng mga Gawaan ng awto at damit, ng braso 
at bubog, ng papel at pinggan,
Ibog kong makitang tayo ay marunong gumawa ng tanang kailangan natin at 
di tulad ngayong tagabili lamang;
Ibig kong makitaý mga Obreristang hindi salanggapang na kunwa ay lider ng mga Obrero
bagoý tagasakal;
Ibig kong makitang bawat mahirap ay may pahayagan at nang hindi bawat mandarayaý
pinaniniwalaan;
Ibig kong ang ating eskwela publika ay maging aralan ng pagkamagiting
at huwag lagi nag sayaw ng sayaw;
..........

.Ang tulang"Ibig kong Makita" ni Benigno R. Ramos ay dumadalumat sa suliranin ng ating lipunan laban sa moralidad. Nagnanais itong makita ang magagadang asl ng Pilipino at hindi ang pagdulog kasama nito.Sa pagtakay rito gamit ang pagdulog moraslistiko,kailangan ng matalinong pagpasya na itanghal ang kabutihan at itakwil ang kasamaan.

Ang Masining na pagbigkas

-Kapag sinabing masining na pagbigkas,ang ibig tukuyin nito ay ang maayos,maganda, at tamang pagbigkas ng tula,talumpati,at mga tauhang gumaganap sa dula, ayon sa mga alintuntunin ng ganitong gawain.

Mga Salik ng Masining na Pagbigkas

1. Lakas ng Pagbigkas

-Kung bumibigkas,may mga pagkakataong mangangailangan ng malakas at mahinang bigkas batay sa hinihingi ng kalagayan, sitwasyon, o ibigay ng bumibigkas.

2. Bilis ng Pagbigkas

-Ang Bilis ng pagbigkas ay may kaugnayan sa damdaming nais ihatid ng bumibigkas.

3. Linaw ng Pagbigkas

-Iwasan ang"Pagkain" ng mga salita.Magagawa ito kung sa pagbigkas ay bubuin ang mga patinig sa bawat pantig ng salitang binibigkas.

4. Hinto

-Ang paghinto sa iba't ibang bahagi ng mga pahayag ng isang bumibigkas ay nakapagpapadagdag sa kalinawan ng kanyang sinabi.

5. kilos at kumpas

-Ang pagbigkas na tinutulungan ng Kilos at kumpas ay higit na nagiging kawili-wili sa pagkat buhay na buhay ang nagsasalita at ito ay ginagamit uapng mapalutang ang mensaheng gustong ihatid sa mga nakikinig.